38
Magic nakauna: Clutch 3 ni Augustin, nagpalubog sa Raptors
By

Magic nakauna: Clutch 3 ni Augustin, nagpalubog sa Raptors

Isang vintage DJ Augustin ang humarap sa Toronto Raptors para pangunahan ang Orlando Magic sa 1-0 advantage, 101-104.

Second-ranked ang Raptors, inaasahan na magiging madali ang laban kontra Magic, ngunit tila naging iba ang timpla sa kanilang unang paghaharap sa postseason.

Tabla anim na segundo ang nalalabi sa laban, 101-all, tangan ni Augustin ang bola na mainit buong laro.

Matapos makatanggap ng screen, biglang umangat para sa top arc trey ang 10-year NBA vet, swak sa ring para sa tatlong puntos na kalamangan na hindi na nasagot ng Raptors.

Tumapos ito ng may 25 points, 19 ay galing sa first half, at six assists. Isa pa sa nakatulong ay si Evan Fournier na lumingkis ng 16 points.

Sa Toronto, walang naiskor ang kanilang All-Star guard na si Kyle Lowry sa 34 minutes of play. Si Kawhi Leonard lumarga sa 25 markers at six boards, may 24 points, nine rebounds naman si Paskal Siakam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?