27

May 22, 2020 @ 14:00
By

Magic: LeBron taob pa rin kay Jordan bilang GOAT

Aminado si Magic Johnson na si LeBron James na marathon ang pinakamahusay na all-around basketball player.

Ngunit hindi pa ito sapat para mapantayan si Michael Jordan bilang ‘greatest of all-time’.

Sa panayam ni ESPN personality Stephen A. Smith kay LA Lakers legend Johnson, natanong nito kung sino umano ang mas magaling – si MJ ba o si LeBron.

Paliwanag ni Johnson, hindi nito maikakaila na kasama ang pangalan ni LeBron bilang all-time great sa NBA, ngunit hindi pa rin nito naaagaw ang titulo kay Jordan bilang GOAT.

“When you think about an all-around basketball player, he {LeBron) probably is the best of all time as an all-around basketball player. But when you want to say ‘who is the greatest ever?’ It’s still Michael Jordan,” giit ni Jordan.


Nagkaharap na sa 1991 NBA Finals sina Johnson at Jordan, kung saan tinalo ng Bulls ang Lakers, 4-1, para sa unang kampeonato ng Chicago at ni ‘His Airness’.

Ayon kay Johnson, may tsansa pa naman si LeBron para maungusan si Jodan lalo’t dinodomina pa rin nito ang liga sa edad na 35.

“Now LeBron James’ chapter is not closed yet, right? He still has some basketball to play. So maybe he has a chance to catch (Jordan) later on if he can get some more championships under his belt,” sambit ni Johnson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?