115
Maghaharap na! Kris, Falcis pinatatawag sa korte
By

Maghaharap na! Kris, Falcis pinatatawag sa korte

Nalalapit na ang posibleng paghaharap nina Kris Aquino at Nicko Falcis sa subpoena na inilabas ng Quezon City at San Juan City Office Prosecutor para sa dalawa.

Sa Marso 20 posibleng muling magkita ang dalawa para sa isinampang kaso na qualified theft ni Kris sa San Juan kontra sa dating managing director ng kanyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na si Falcis.

Pirmado ni Senior Assistant City Prosecutor Ma. Dinno J. Paulino ang nasabing dokumento, na pinirmahan noong Pebrero 27.

Sumunod na araw, Marso 21, ay muling ipapatawag sa Quezon City Office of the City Prosecutor sina Kris at si Nicko para rin sa qualified theft case, at sinabi pa sa subpoena na walang tatanggaping motion to dismiss ang korte at tanging counter-affidavit lang ang pwedeng ihain.

Malabo rin umano ma-suspend ang nasabing court order at tanging mapo-postpone lang sa ‘meritorious grounds’.

Ilang qualified theft case na ni Kris ang na-dismiss sa lungsod ng Pasig at Makati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?