27
Babae napugutan sa sumabit na earphones sa elevator
By

Magdyowa todas sa kurbada sa Laguna

Kapwa namatay ang isang 19-anyos na binata at ang 15-anyos na estudyanteng girlfriend nito nang ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay bumaligtad sa kurbada sa Nagcarlan, Laguna, Linggo ng tanghali.

Parehong dineklarang dead on arrival sa hospital ang mga biktimang sina John Rich Albuero at Sophia Secretaryo matapos na ang mga ito ay mabagok sa sementadong kanal sa gilid highway.

Batay sa report ng Nagcarlan police, sinundo ng binata ang kanyang girlfriend sa bahay nito sa Nagcarlan at patungo sana sa Liliw, alas-11:45 ng tanghali.

Subalit pagsapit sa Barangay Palina sa Nagcarlan, nawalan ng kontrol si Albuero sa motorsiklo matapos mag-overtake sa isang sasakyan sa matalim na kurbada.

Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at kapwa walang suot na helmet ang dalawa kaya parehong nagtamo ng malalang pinsala.

Sinugod pa ang magdyowa sa Nagcarlan District hospital subalit parehong hindi na umabot nang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?