671
Magdyowa, magdiriwang ng Valentine's sa kalangitan
By

Magdyowa, magdiriwang ng Valentine’s sa kalangitan

Sharing is caring!

Sa kalangitan na magdiriwang ng nalalapit na Valentine’s Day ang magkasintahan makaraang parehong masawi nang mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo ng 10-wheeler truck sa Quezon City nitong Pebrero 8.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Francisco Gonzales, ng Quezon City Traffic Sector 6, ang mga nasawi ay nakilalang sina Gino Estoquia at Mariel Palomo, kapwa nasa edad 18.

Dakong alas-dos ng hapon ay binabaybay umano ng magkasintahan na sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng Mindanao Avenue patungong NLEX at nang magyu-U-turn sana sila ay bigla na lamang sinalpok ng trailer truck na minamaneho ni Ronnie Sedeño.

Dahil sa lakas ng impact ay pumailalim ang motorsiklo sa truck at nakaladkad pa ang mga biktima.

Ayon sa ilang nakasaksi sa aksidente, normal naman ang pagpapatakbo ng motorsiklo at truck pero tila hindi napansin ng suspek ang papa-U turn na sinasakyan ng mga biktima kaya nabangga ang mga ito.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang driver ng truck habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?