97
Pagtapyas sa libel bilang krimen, malabong lumusot - Panelo
By

Maganda na, matalino pa! Panelo nabighani sa magiging bagong US Ambassador

Hindi pa pormal na natatalaga bilang United States Ambassador, puro papuri na ang natanggap ni US State Department Deputy Assistant Secretary Mina Chang kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, walang tulak kabigin ang mga katangian ni Chang, na bukod sa Harvard graduate, maganda at athletic din.

“Did you hear about the incoming… I don’t know if true, the incoming US Ambassador? Beautiful, maganda, golfer pa, Harvard pa. Ewan ko, basta iyon ang sabi eh,” pakli ni Panelo sa 32-anyos na US diplomat.

“Nakarating na rin sa inyo ha. Exciting times,” tuwang pahayag pa ng presidential spokesperson.

Sa profile ni Chang sa US State Department website, mayroon siyang “extensive on the ground experience in conflict areas such as Afghanistan, Iraq, Somalia, Nigeria and the Philippines.”

Graduate din siya ng Harvard Business School, at nag-seminar din sa United States Army War College.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?