233

By

Magalong handa sakaling kasuhan ni Albayalde

Nakahanga si dating Philippine National Police-Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung sasampahan siya ng kaso ni PNP Director General Oscar Albayalde hinggil sa “ninja cops” issue.

Nauna dito, pinahayag ni Albayalde ang plano nitong pagsampa ng kaso laban dating heneral ng PNP na nagkalat ng umano’y maling testimonya laban sa kanya sa mga pagdinig na isinagawa ng Senado kamakailan.

Bilang sagot, sinabi ni Magalong na kumpiyansa itong sa kanya papabor ang korte kung ipagpapatuloy ni Albayalde ang planong reklamo.

Giniit din ni Magalong na ang mga sinaad niyang testimonya sa Senado ay hindi direktang laban kay Albayalde kundi ito ay para malinisan ang PNP mula sa mga tinatawag na ninja cop.

Umalingawngaw ang balitang naging mainit ang tensyon sa pagitan ni Albayalde at Magalong matapos tumestigo ang dating hepe ng PNP-CIDG laban sa mga ninja cop, kung saan tinuturong may kaugnayan umano si Albayalde, na agad namang pinabulaanan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?