228

By

Mag-utol na tagasuporta ng ISIS, huli sa Cagayan

Dalawang supporter ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang naaresto sa ginawang raid ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Philippine Army sa Baggao, Cagayan.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, nadakip ang magkapatid na Greg at Altero Cariaga noong Marso 28 sa kanilang mga bahay sa Barangay Dabbac Grande dahil sa illegal possession of firearms.

Narekober sa bahay ni Greg ang isang kalibre .38 na baril na may anim na bala, isang 9mm pistol na may pitong bala, improvised explosive device at isang ISIS flag.

Samantala, nakumpiska sa bahay ni Altero ang isang colt caliber .45 pistol na may walong live ammunition, isang kalibre.38 na baril na may apat na bala, isang improvised explosive device at isang ISIS flag.

Ang magkapatid ay mga miyembro umano ng Daesh-link group na Syuful Khilafa Fi Luzon o Northern Jihadist Group, isang terrorist at radical Islamic propagation group na nabuo sa Baggao noong 2016.

Si Altero umano ay isa sa mga lider habang miyembro si Greg.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?