47
2 arestado sa pananapak ng traffic enforcer
By

Mag-utol, 3 pa dinampot sa buy-bust sa Pasig

Arestado ang limang tao, kabilang ang dalawang mag-utol na tulak, matapos ang magkakahiwalay na buy-bust operation kaninang madaling araw sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Rodel Darla, 38 anyos; Reynold Dela Cruz, 27-anyos na construction worker; at Frank Astrologo Jr., 50-anyos na welder, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Nasakote naman ang dalawang magkapatid na tulak na sina Meliton Arbastro Jr., 38 anyos, at Rodrigo Arbastro, 31-anyos na call center agent.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), unang inaresto sina Darla, Dela Cruz, at Astrologo bandang ala-1:00 ng madaling araw sa Caruncho Compound, Barangay Palatiw.

Nakumpiska sa mga suspek ang walong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na umaabot sa tatlong gramo ang timbang na nasa P20,400.

Samantala, sa hiwalay na operasyon nadakip ang magkapatid na Arbastro bandang ala-1:30 ng madaling araw sa M.H Del Pilar, Palatiw Pasig City matapos silang magbenta ng shabu sa isang police asset.

Nakumpiska mula sa magkapatid ang limang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa apat na gramo at may street value na P27,200 at P200 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig Police detention cell at hinihintay ang pagdinig sa mga kasong RA 9165, Sec. 5 at 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?