64

By

Mag-senador na lang! Thurman pagreretiruhin si Pacquiao

“Come July 20, he will disappear. He belongs as a senator in the Philippines.”

Ito ang matapang na pahayag ni undefeated boxer Keith Thurman tungkol kay ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao na magkukrus ng landas sa Hulyo 20 sa Las Vegas para sa WBA unification belt.

Sa record na 29-0, 22 KOs ni Thurman, hindi maikakaila na liyamado ito kontra sa 40-anyos nang si Pacquiao.

At nais nang batang boksingero na siya ang pumutol sa makasaysayang karera ni Pac-Man sa boksing.

“I waited 22 months to get back in the game. We have our ups and downs in this sport; your boy Keith Thurman is back on the rise. You will want to be there, especially because this will be this man’s last fight,” ayon kay sa 29-year-old slugger.

Ngunit hindi dapat makumpiyansa ang American fighter kontra sa eight-time world division champion.

Tila alak si Pacquiao, habang tumatagal ay lalong lumalakas ang tama.

Matapos itong mabigo kay Jeff Horn noong 2017, dalawang kabit na panalo na ang nailista ng fighting senator, isa pa rito ay ang impresibong knockout kay Lucas Matthysse para sa WBA welterweight title.

Samantala, manggagaling sa mahabang pahinga si Thurman, na binagabag ng mga injury matapos operahan sa tuhod noong 2017.

Ngunit tila walang kalawang na nararamdaman si Thurman, bilib sa sariling kayang pahintuin na nang tuluyan ang Pinoy pride.

“Trash talk doesn’t mean nothing, but when he is on that mat and catching that ‘night night,’ it’s really going to mean something,” giit pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?