48

By

Mag-lola patay sa bumagsak na puno

Patay ang mag-lola matapos na mabagsakan ang kanilang bahay ng dambuhalang puno habang nasa kasarapan ng kanilang tulog nitong Sabado ng madaling-araw sa Isabela City, Basilan.

Kinilala ang mga biktimang sina Florita Benitez, 73, at Irvin Utong, 13, pawang residente ng Barangay San Rafael ng nasabing lungsod.

Base sa ulat na nakuha sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Isabela City, pasado alas-3:00 ng madaling-araw habang natutulog ang mga biktima ay tuluyang tumumba ang puno ng acacia at nabagsakan ang kanilang bahay.

Dahil sa laki ng puno ay naging pahirapan ang pagkuha sa mga biktima kung saan nagtulong-tulong ang Bureau of Fire Protection at CDRRMO para sa rescue operation subalit nakuha na wala nang buhay ang mga biktima dakong alas-7:00 na ng umaga.

Lumalabas na posibleng bumigay na ang lupang kinakapitan ng mga ugat ng puno dahil sa walang tigil na pag-ulan ng nagdaang araw upang matumba ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,