13

Mag-live-in partner, timbog sa buy-bust sa Marikina

Sharing is caring!

Kalaboso ang mag-live in partner na sangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot sa ikinasang drug buy bust operation ng Marikina Police, kamakalawa ng gabi sa Barangay Concepcion Uno.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PCSSupt. Bernabe Balba, nakilala ang mga suspek na sina George Dela Paz, 41-anyos at Mia Pauline Miranda, 25-anyos, kapwa residente ng 151 unit 4 E. Manalo St. Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Ayon kay Marikina Drug Enforcement Unit, P/Insp. Greco Gonzales, isinagawa ang buy bust bandang 8:40 Huwebes ng gabi sa Barangay Concepcion Uno makaraang makatanggap ng tawag kaugnay sa pagbebenta ng droga ng mag-live in partner.

Isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ang nakipagtransaksyon sa mga suspek para makabili ng droga at nang makakuha na ng epektos ay agad na dinampot ang dalawa.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong sachet na naglalaman ng shabu at P500.00 na ginamit bilang buy bust money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?