172
Mag-iina ng terorista, pinasabog ang sarili sa Indonesia
By

Mag-iina ng terorista, pinasabog ang sarili sa Indonesia

Pinasabog umano ng isang misis at mga anak nito ang kanilang mga sarili matapos arestuhin ang hinihinalang terorista na si Husein, o Abu Hamzah, nitong Miyerkoles sa kanilang tahanan sa Sibolga, North Sumatra.

“We have received information that the wife blew herself and the children up at 1:30 a.m.,” saad ni National Police spokesman Brig. Gen. Dedi Prasetyo sa The Jakarta Post.

Hindi pa umano nakakapasok sa lugar ng insidente ang mga pulis dahil kailangan pa nilang siguruhin na wala nang pampasabog sa nabanggit na bahay.

Nangyari umano ang pagpapasabog habang hinihikayat ng mga pulis ang asawa ni Husein na sumuko kasama ang mga anak nito.

Si Husein ay hinihinalang miyembro ng pro-Islamic State (IS) movement terror group na Jamaah Ansharut Daulah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?