20

By

Mag-‘flying kiss’ na lang ngayong Valentine’s Day – DOH

Sa pagdiriwang ng bansa sa Valentine’s Day nitong Biyernes, hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan munang maglambingan o anumang physical contact sa mga minamahal para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Ani Health Secretary Francisco Duque III, ang mabisang paraan ngayon ng pag-celebrate sa Valentine’s Day at ipakita ang pagmamahal ay sa pamamagitan ng “flying kiss”.

“Best greeting is (waving hands), or Namaste (bowing), or flying kiss. When you do the flying kiss, make sure, it does not touch your lips. And you also don’t talk while you are delivering the kiss,” wika ni Duque.

Muli namang pinaalala ni Duque ang madalas na paghuhugas ng kamay para iwas COVID-19.

“Wash your hands as frequently as possible. There is no danger (in) doing that, (but there is) everything to gain,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?