83
Abante-TnT-vilma-santos
By

Mag-asawang Sen. Ralph at Batangas Congw. Vilma Santos-Recto magka-level na

Pinangalanan bilang bagong Deputy Speaker ng Kamara si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Bunga nito, magkapantay na sila ng mister niyang si Senador Ralph Recto, President Pro Tempore naman ng Senado.

Nauna nang tinukoy ang may 18 pang Deputy Speaker sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Kabilang na rito sina Paolo Duterte ng Davao City, Ferdinand Hernandez ng South Cotabato, Evelina Escudero ng Sorsogon, Loren Legarda ng Antique, Conrado Estrella III ng Abono, Prospero Pichay Jr. at Johnny Pimentel ng Surigao del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?