27

By

Mag-asawang Italian, iniligtas sa landslide ng mga alagang pusa

Nakaligtas na malibing nang buhay sa kanilang bahay ang mag-asawang Italian dahil sa kanilang dalawang pusa.

Sabi sa Strait Times, ginising ang mag-asawa ng mga pusa nilang sina Simba at Mose kaya naka-survive sila sa landslide na nagpa-collapse sa kanilang bahay.

Kuwento ng lalaking si Claudio Piana, nag-ingay ang mga pusa nila kaya nagising sila.

Nakita ni Sabrina Pellegrini ang pinaglalaruang mga piraso ng plaster ng kanilang mga alaga na nalaglag mula sa kisame at doon nila nakita ang mga cracks sa mga dingding ng bahay.

Kaya agad silang lumikas sa kanilang bahay sa Campo Ligure noong Lunes ng gabi sa gitna ng malakas na pag-ulan.

Agad nagtungo ang mag-asawa sa kanilang sasakyan pero na-trap sila ng makapal na putik. Na-rescue sila ng mga bumbero.

Ang kapatid ni Claudio ang tumawag sa kanya para ipaalam na nag-collapse dahil sa landslide ang nilisan nilang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?