66

By

Mag-asawang doktor at nars dedo sa sunog sa Samar

Patay ang isang doktor at asawa nitong nars matapos ang naganap na sunog sa doctor’s residential building na pag-aari ng Adventist Hospital sa Calbayog City sa lalawigan ng Samar, Sabado, Agosto 31.

Kinilala ang nasawing mag-asawa na sina Dr. Pacifico Maypa, 60, at nars na si Delie May Maypa, 57, pawang residente ng Ozamiz City.

Sa ulat ng Calbayog City Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog dakong alas-4:20 ng madaling araw.

Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero at agad naapula ang apoy.

Bagama’t dineklarang fire under control ang sunog 20 minuto makalipas, napag-alamang hindi na nakalabas ang mag-asawang biktima sa kanilang kwarto dahilan upang mamatay sila sa suffocation.

Umaabot sa halos kalahating milyong piso ang napinsala sa sunog habang iniimbestigahan pa ng Calbayog City BFP ang pinagmulan ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?