56

By

Mag-asawang archer pumana ng ginto sa SEAG

Nakamit ng mag-asawang Rachelle Anne Dela Cruz at Paul Marton ang ginto sa mixed team compound category, ang natatanging ginto ng Pilipinas sa archery competition sa Southeast Asian (SEA) Games 2019.

Pumangalawa sa finals ang Vietnam, habang bronze naman ang inasinta ng Indonesia sa Parade Grounds nitong Lunes, Disyembre 9.

Ito, matapos mabigo ang mga Pinoy archer sa recurve event.

Nanguna ang Vietnam at Thailand sa nasabing sport at nagkamit ng tig-tatlong ginto sa recurve at compound categories.

Huling sumungkit ng ginto ang mga Pinoy archer noong 2013 SEA Games sa Myanmar, mula sa men’s compound team nina Earl Benjamin Yap, Ian Patrick Chipeco at Delfin Anthony Adriano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?