68

Feb 21, 2020 @ 11:17
By

Mag-asawa utas, anak sugatan sa salpukan ng truck, van

Todas ang mag-asawa habang malubhang nasugatan ang kanilang walong-taon na anak na lalaki matapos salpukin ng kanilang sinasakyang Nissan van ang isang dump truck sa kahabaan ng Barangay San Juan, Sta. Lucia, Ilocos Sur noong Huwebes.

Kinilala ni Sta. Lucia Police Station (SLPS) chief-of-police P/Capt. Leonilo Ancheta ang mag asawa na sina James Oliver Marzan, 34, isang overseas Filipino worker, asawa nitong si Rho Anne Marzan, 34, isang nurse sa Ilocos Sur Cooperative Medical Mission Group and Hospital, parehong taga Poblacion West, Pidigin, Abra.

Samantala, ang kanilang anak na si Michael Alfred Marsan, ay patuloy na inoobserbahan sa Ilocos Sur District Hospital (ISDH), Sta. Lucia dahil sa tinamong malalalim na sugat sa katawan.

Sa inisya na imbestigasyon, ayon sa SLPS, kasalukuyang tumatakbo ang Isuzu drump truck na minamaneho ni Geronimo Valdez Jr., 51, ng Banagoilan West, Bangar, La Union ng biglang biglang agawin ng linya nito ng van na minamaneho ni James.

Dito, sinuwag ng van ang harapan ng dump truck na nag resulta ng pagkawasak ng harapan ng sasakyan ng mga biktima.

Agad na isinugod sa ISDH ang mga biktima ngunit dead-on-arrival ang mag asawa.

Nakakulong ngayon sa SLPS detention cell si Valdez Jr., na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide, serious physical injury at damage to property.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?