42
American national
By

Mag-amang kagawad sabay niratrat ng tandem

Patay ang mag-amang barangay councilor matapos tambangan ng riding in tandem habang pauwi ng kanilang bahay sa Bayawan City, Negros Oriental nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Felipe Condez Jr., 60, at Jonesis Condez, 31, kapwa residente ng Barangay Kalamtukan.

Ayon sa inisyal na ulat, nang makarating ang mag-ama sa Sitio Napac-an, Barangay Kalumbuyan, pinagbabaril ng backrider ang mga biktima dakong alas-10:30 ng umaga, November 14.

Namatay on the spot ang mag-ama dahil sa iba’t ibang tama ng bala sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?