32

By

Mag-amang Chinese arestado sa pagpapahawak ng ari sa masahista

Bagsak sa kulungan ang dalawang Chinese matapos umanong mangmanyak ng mga masahista sa isang spa at nanapak pa ng manager sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa ulat, nakakulong na sa Cogon Police Station ang mag-amang suspek na si Samuel Yeong, 67; at anak na si Kenneth, 36.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lasing umano ang mga suspek nang pumasok sa isang spa noong Setyembre 16.

Batay umano sa mga nakasaksi, hinatak ng mga suspek ang mga kamay ng mga babaeng massage attendants at sinubukang ilagay ito sa kanilang mga ari kaya nagtakbuhan ang mga biktima para i-report sa kanilang manager ang nangyari.

Maliban umano sa pambabastos sa mga masahista, sinapak pa umano ng mag-ama ang manager ng establisyimento nang magbabayad na sila ng bill.

Pursigido umano ang mga empleyado na kasuhan ang dalawang Chinese ng grave coercion in relation to sexual assault at physical injuries.

Nang hingan naman ng travel documents, walang maipakita ang mag-amang Chinese at hangga’t wala silang maiprisintang mga papeles ay ikokonsidera silang illegal aliens.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?