626

By

Mag-aaral tumalon sa ika-5 na palapag ng paaralan, sugatan

Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang Grade 12 na estudyante na nagtangkang masawi sa suicide matapos tumalon mula sa 5th floor ng isang unibersidad sa Dagupan City noong Linggo ng umaga.

Ayon sa Dagupan City Police Station (DCPS), hindi na pinangalanan ang 17-anyos na biktima na nag-aaral sa isang unibersidad sa Barangay Tapuac, sa nasabing siyudad.

Sa inisyal na impormasyon, sinabi ng DCPS, nangyari ang insidente bandang alas-11 ng umaga sa loob ng eskuwelahan, kung saan lumusot ang mag-aaral sa bintana ng isa sa mga gusali ng unibersidad at saka tumalon.

Agad namang naitakbo ng mga security personnel ang estudyante sa ospital dahil sa tinamo nitong sugat sa katawan, at mga bali sa buto.

Samantaka, inaalam ng DCPS kung bakit nasa paaralan ang biktima gayong araw ng Linggo at walang pasok noong gawin niya ang insidente.

Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang biktima, habang humiling ng privacy tungkol sa insidente ang pamilya ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?