65

By ,

Mabenta sa mga sugarol: Zion, Giannis kakahig ng awards

Bago pa man ang makasaysayan na free agency ngayong buwan at NBA draft sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas), nagsimula na ang mga sugarol na mamili kung sino ang mag-uuwi ng awards sa 2019-20 NBA season.

Ayon sa balita ng ESPN, pinoste ng Caesars Sportsbook si Zion Williamson (-450) bilang isa sa mga paboritong mananalo ng Rookie of the Year award.

Ang 18-anyos mula sa Duke University ay inaasahan na kukunin ng New Orleans Pelicans bilang top overall pick habang si Ja Morant (+450) ay ang posibleng second pick at si RJ Barrett (+450) bilang third overall.

“Zion is a giant favorite, but I don’t know if it’s big enough. It’s one of those things if I take a max bet, then I might go much higher,” Caesars head of risk Jeff Davis. “If they’re willing to put up that much and let it sit for a whole year, then the price is bad. That’s the value of having sharper guests, if you’re smart enough to know what to do with it.”

Ang pustahan naman sa MVP, ilan sa paboritong mananalo rito ay ang mga superstar gaya nina Giannis Antetokounmpo (3-1) at James Harden (+350) kasama sina two-time MVP Stephen Curry (6-1), four-time MVP LeBron James (7-1) at si Anthony Davis (7-1).

Kakaiba rin ang free-agency ngayong taon dahil ilan sa mga All-Star players ang maaring tumalon sa ibang mga tropa gaya nina Kawhi Leonard (6-1), Kyrie Irving (30-1), Jimmy Butler (75-1) at si Kemba Walker (100-1) depende sa kanilang magiging desisyon.

“Let’s just say somehow or some way Kyrie signs in Sacramento. We all know that’s not going to happen, but if you get something like that, you just turn the prop off for 10 minutes,” dagdag ni Davis.

“You readjust the future market, you figure out where you are, you reprice it and you put it back up.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?