85

UP lusot sa FEU sa tres ni Desiderio

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
2 p.m. – UST vs DLSU (Men)
4 p.m. – AdU vs NU (Men)

Walang ibang pinuntahan si UP head coach Bo Pe­rasol kundi kay Paul Desiderio sa endgame.

Hindi naman binigo ni team captain Desiderio ang coach, ipinukol ang pangalawang game-winner ngayong season para itulak ang Fighting Maroons sa 59-56 panalo kontra FEU sa 80th UAAP basketball sa Mall of Asia Arena.

Umahon ang UP mula sa 12 points down sa fourth quarter, sinalpak ni Desi­derio ang stepback triple may 1.1 segundo na lang sa orasan para ilista ang 5-6 karta at saluhan ang Tamaraws sa fourth spot.

“’Kay Paul (Desiderio) ko  pinadiskarte, basta nasa isip ko lang na panalo o tabla.” ani Perasol.

Tumikada si Desiderio ng 15 points sa 6 of 23 shooting para sa UP na kailangan manalo ng manalo sa tatlong huling laro para makasampa sa susunod na phase.

Hawak ng Fighting Maroons ang manipis na 56-53 abante, tumikada si Jasper Parker ng trey para ibuhol ang FEU 32.9 seconds na lang sa payoff period bago ang winner ni Desiderio.

Nagpakitang-gilas din sina first year players Ibrahim Ouattara at Juan Gomez de Liano, nire-histro ang 10 at seven markers para sa UP. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?