1,498
Lumalaki na ulo! JK binanatan ng mga netizen
By

Lumalaki na ulo! JK binanatan ng mga netizen

Nag-viral ang video kung saan makikitang minura at nag-dirty finger pa sa camera ang sikat na singer na si JK Labajo sa mga umanong naninira sa kanya.

Sa video ng Abante News Online, biglang nag-iba ang timpla ng ‘Buwan’ singer matapos malaman na Abante ang nag-iinterview sa kanya.

“Ito ba yung newspaper? Hello nga pala sa Abante and sa mga gumagawa ng headlines sa’kin diyan sa newspaper niyo, mga sinisiraan ako, p*tang*ina niyo,” saad ni JK.

“Madami may mga nababasa ako minsan blind item, naninira, I love you Abante,” panapos nito.

Dahil sa nasabing post, dumagsa ang mga negative comment kontra kay JK, sinabi na tila lumaki na ang ulo nito dahil sa kasikatan.

“being musician ndi dpat ganito attitude, nandun na tayo sa pagiging realtalk at astig kuno,. pero dapat marunong kang rumespeto kung nasan ka man ngaun,. utoy bilog ang bola, masasabi mo sikat ka ngaun pero pag dumating ang araw na laos ka na, ndi mo makakamit ang pagiging legend at tatak sa bawat Pilipino,” ayon kay Lesther Adrian CaLado.

“Wag ganun, magaling ka pero yung kayabangan sana isantabi naman kahit pano,” saad naman ni Joward Abad Gutierrez.

“Grabe lalaking walang respeto. Sige na badboy kn pero nilulugar yan kuya grabe ka napaka yabang pa di pa pinagbgyan ung reporter tsk pasikat pa lng laki na ng ulo ganito ung mga di nagtatagal sa music industry pustahan may mkaka away yan,” ani naman ni Dianne Alejandro.

Mayroon din namang nagtanggol sa singer, sinabing pinapakita lamang nito ang tunay nitong pagkatao at hindi nagkukunwari.

“Kapag pakitang tao may masasabi kayo. Kapag nagpakatotoo mayabang, Walang modo ganun agad? Mga bobo!!! Wala ng malugaran mga tao sa inyo!!” pagtanggol ni Aj Mojica.

“Sa mga naiinis sa kanya hahaha bobo kayo atlis nakapag concert sya at nakakapag gig samantalang kayo mga bashers walang magawa kungdi mang puna ng kayabangan atlis sga meron ng ipag mamayabang. Nakikita ko sa kanya parang bokalista ng oasis mayabang pero solid sa kantahan. Bobo nyo hayaan nyo sila sila masaya sila eh kayo wala man lang kayong na compose ng kanta,” saad naman ni Luis Canete Pascual.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?