211

Apr 4, 2020 @ 18:07
By

Luis tinawag na bayot, rumesbak: Itsura mo nga nagnanakaw ng bag sa fastfood

Sinagot ni Luis Manzano sa Twitter ang netizen na tumawag sa kanya na ‘bayot’ o bakla.

Ayon sa netizen, “Hoy bayot pag hilom.”


“Kung maka-bayot ka naman as if masama maging bayot, itsura mo nga ‘yung nagnanakaw ng bag sa fastfood,” sabi naman ni Luis.

Dagdag pa ng actor/host, “Kung makasabi ka naman ng bayot, as if masama maging Bayot, tandaan mo ang LGBT+, breakfast lunch dinner ay discrimination ng ibang tao, at hinahassle pa… but yet, they always excel sa kahit anong gawin nila bayot ba ako? Nope lupit ba nila? yes!”


Sabi pa ng netizen, “Luis bakla din po ako no need na pangaralan ako. Hindi kita dini discriminate, dini describe po kita. Alam ko at amoy na amoy ko. I hope mahanap mo sa sarili mo yung totoong identity mo po. Hehe idol Salamat sa notice. Lab u.”

Pero binura din ng netizen ang kanyang tweet.

Hindi naman tumigil dito si Luis, at humirap pa ng, “Binura mo nga tweet mo dahil nagmukha kang tanga… so as a gay man, you believe na ikaw dapat mag out sa isang tao at hindi sa terms niya?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?