529
Luis nanghinayang sa hindi natuloy na kagwapuhan
By

Luis nanghinayang sa hindi natuloy na kagwapuhan

Nag-throwback si Luis Manzano ng mga picture niya noong siya’y paslit pa.

Makikitang kasama niya ang kanyang Mommy Vilma Santos at Daddy Edu Manzano.

Pero nanghihinayang si Luis dahil hindi umano tumuloy ang kagwapuhan niya noong bata.

“Ok… BAKIT ANG GWAPO KO NUNG BATA AKO?!?! Ano nangyari ngayon?!? Anak ng, parang nakaladkad ng tren ng 3 years itsura ko ngayon!!!! Bakit hindi tumuloy na ganyan kagwapo… taragis naman,” sabi ni Luis sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?