155

Jun 30, 2020 @ 16:42
By

Luis Manzano: UP pala kalaban, hindi COVID!

Nagpasaring ang aktor na si Luis Manzano sa naging pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na ‘panalo’ na ang Pilipinas pagdating sa mga COVID-19 case.

Ayon kay Roque sa online press briefing nitong Martes, nanalo na ang bansa dahil hindi nalampasan ang prediksyon ng mga scientist ng University of the Philippines (UP) na 40,000 COVID-19 case sa pagpasok ng July.

“Today is the last day na pala. Ano bang sinasabi ko. Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction po. We beat it so congratulations, Philippines! Let’s do it again in July,” wika ni Roque.

Pinatamaan naman ito ni Manzano, na sinabing UP pala ang target matalo ng gobyerno at hindi ang mismong pandemya.

“Akala ko the whole time COVID ang kalaban, UP pala! Congratulations!!” tweet ni Luis.


May #UAAP pa ang aktor na patama pa rin sa pahayag ni Roque sa pagtalo sa UP prediction.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?