41

By

Luis Manzano pumalag sa pangba-bash sa kanyang hosting skills

Hindi pinalagpas ni Luis Manzano ang bashers ng kanyang hosting skills.

Idinepensa niya ito sa kanyang Instagram noong January 8 kung saan nag-post muna siya ng isang article na pumupuri sa kanyang talento.

Ilang followers man ang proud kay Manzano, isang netizen na si @malditasofpageantry ang nagsabing kailangan ng TV host ng “a breath of fresh air” dahil palagi na lang pagho-host ang pinagkakaabalahan nito.

“Sometimes it’s bad for your career na back to back ka sa tv hosting,” sabi nito.

Sinagot ito ni Luis ng, “Ok po, pwede po magpamanage sa’yo po?”

Matapos ay may isa pang kritiko na may username @joeychandlerross2018 ang nagsabi ng, “Honestly I’m not a fan of his hosting skills… kind of scripted…”

“You do know there are scripts needed right? HAHAHAHA would I expect an intelligent comment from an account from 0 posts, 0 followers pero naka-private? Hahahaha!” sabi ni Luis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?