404
Luha ni Pokwang bumaha sa Instagram
Feb 10, 2019 @ 18:21
By

Luha ni Pokwang bumaha sa Instagram

Naloka ang online word nang magpost ng Instagram video ang komedyanteng si Pokwang kung saan ay labis ang pag-iyak nito dahil sa pagmamahal sa pamilya.

“Wala po akong ginawang masama. Nagmahal lang po ako. Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Lahat po titiisin ko para sa pamilya ko,” saad nito sa video.

Umabot na sa 51, 519 ang like ng naturang video.

Windang ang mga nanonood kung bakit umiiyak nang ganoon ang aktres.

Matinding tawanan naman ang naging reaksyon ng mga ito sa sunod na sinabi ni Pokwang.

“Lahat gagawin ko. Magluto at maghiwa ng sibuyas. Ang sakit.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?