28

Mar 26, 2020 @ 10:08
By

Lualhati Bautista ayaw ipagdasal si Koko Pimentel

Maging ang tanyag na nobelistang si Lualhati Bautista, nanggigil kay Senador Koko Pimentel.

Matatandaang kinundena ng Makati Medical Center ang paglabag ng senador sa infection control protocol ng gobyerno at pagsama niya sa kanyang asawang si Kathryna Martes na pumunta sa naturang ospital. Nabatid na nagpositibo si Pimentel sa COVID-19.

“Koko Pimentel, ipagdasal mong mag-isa ang sarili mo! Hindi ka namin ipagdadasal!,” bulalas ng “Dekada ’70” writer sa Facebook kahapon, Marso 25, 2020.

“Wala namang batas na nagsabi na kailangan ko siyang ipagdasal. Peace,” sabi pa niya bilang tugon sa isang Facebook commenter.

Ngayong Huwebes, humingi ng tawad si Koko sa Makati Med at giniit na wala umano siyang intensiyon na suwayin ang protocol dahil pumunta lang aniya siya roon para samahan ang buntis na asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?