97
Lray Villafuerte iprinoklamang Camarines Sur representative
By

Lray Villafuerte iprinoklamang Camarines Sur representative

Isang araw matapos ang 2019 midterm elections, idineklara nang Camarines Sur Second District representative si reelectionist Luis Raymund “LRay” Villafuerte.

Nakakuha siya ng 80,029 votes laban sa katunggaling si Maribel Andaya-Eusebio na may 76,615 votes.

Si Eusebio ay misis ni dating Pasig City Mayor Robert Eusebio, na pinataob din ni Vico Sotto sa pagka-alkalde ng nabanggit na lungsod.

Ani Villafuerte, magiging kaalyado siya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga nagawa nito sa kanilang lalawigan gaya ng Build, Build, Build.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?