345
3 bagyo papasok sa 'Pinas ngayong Hulyo
By

LPA sa Batanes, ganap nang bagyong Nimfa

Lumakas bilang tropical depression ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Basco, Batanes.

Sa 3 p.m. weather bulletin ng PAGASA nitong Martes, naitala ang sentro ng Tropical Depression Nimfa sa 640 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 70 kph.

Samantala, isa pang LPA ang naispatan may 95 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Ang southwest monsoon o habagat naman ang nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, at Western Visayas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?