408

Feb 25, 2020 @ 21:43
By

Love story nina Sarah, Matteo parang pelikula

Saludo ang mga netizen matapos ipaglaban nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang kanilang pag-iibigan.

Reaksyon nila ito matapos ilantad sa publiko ng malapit na kaibigan ng dalawa na si Letty Fuentes sa TV Patrol ang tunay na nangyari sa lihim na kasal nina Matteo at Sarah.

Sa kabila ng pagwawala ng ina ni Sarah para mapigilan ang kasal ay hindi ito nagtagumpay at ngayon ay kasal na ang AshMatt at “love wins”.

Naiyak sila dahil sa pinagdaanan nina Sarah at Matteo na akala nila’y sa pelikula lang nangyayari.

“Sarah and Matt deserve all the happiness! Grabe, makatulo ng luha at sipon ang journey nila, happy but a bit sad, pero I know they made the right choice. #AshMattStrong,” saad ni @cherry4SG.

“Masakit, malungkot pero sa huli nanaig pa din ang pagmamahalan. God bless you on your marriage. Just be patient, God will make everything beautiful in His own time,” wika ni @BallLovehyunbin.

“I am ate bernadette right now. i can’t even. this is the love story that you think you’d only see on tv and movies. saludo ako sa inyo, sarah & matteo. mabuhay kayo,” comment ni @merveiyeux.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?