269

By

Love niya ang ‘Pinas: Matteo sumali sa Army

Miyembro na ng Philippine Army ang Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli.

Ibinahagi ng 29-anyos na Cebuano actor sa kanyang Instagram ang pagsali niya sa Army bilang reservist.

“I officially joined the Philippine Army today because I love my country. I would like to thank the people that have been very supportive. Exciting times ahead,” saad niya sa caption ng larawan.

Bago nito, nagpahiwatig na ang Kapamilya actor ng pagsali niya sa Philippine Army matapos siyang mag-post ng larawan na kuha sa First Scout Ranger Regiment sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

“Always respect to our flag and to the people that protect us,” aniya.

View this post on Instagram

Always respect to our flag and to the people that protect us. 🇵🇭 #rangers #rangersleadtheway @philippinearmy

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?