77

Sep 5, 2019 @ 14:57
By

Lookout order sa mga pinalayang heinous crime convict ilalabas ng DOJ

Maglalabas ang Bureau of Immigration (BI) ng lookout bulletin order laban sa pinalayang 1,914 heinous crime convicts para masiguradong hindi pa nakakalabas ng bansa ang mga ito.

Ito ang sinabi kaninang Huwebes, Setyembre 5, ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos tanungin ni Senador Panfilo Lacson sa ikatlong pagdinig ng Senate sa kontrobersiyal na good conduct time allowance (GCTA) law.

“In the advent of the directive of the President that the 1,914 released heinous crime convicts should surrender within 15 days, I was just wondering, I’m not questioning the order the President. It is a positive development. What if some of them would attempt to leave the country?” tanong ni Lacson.

“Of course, HDO (hold departure order) is beyond your authority. Nobody can issue a hold departure order except the court. But ILBO (Immigration Lookout Bulletin Order) is within your authority so I was just wondering if you have already issued immigration lookout bulletin order?” sambit pa nito.

Ayon kay Guevarra, meron na silang listahan ng persons of deprived liberty (PVLs) at aabisuhan nila ang BI na maglabas ng ILBO para sa mga pinalayang preso.

“We got the list those PVLs who were convicted of heinous crimes but were prematurely released on account of GCTA and we have forwarded to the BIi for appropriate action,” sabi ni Guevarra.

“It’s actually DOJ which will issue the migration lookout bulletin order and that will be address to the BI. So we will do that immediately,” saad pa ng kalihim.

Samantala, hiniling naman ni Senate Presidente Guevarra na madaliin ang pagpupulong ng Department of Interior and Local Government at DOJ para isaayos ang implementing rules and regulations ng GCTA Law na inabuso ng BuCor na nagresulta sa pagpapalaya ng libong heinous crime convicts.

Aniya, ipagpapatuloy pa rin ng Senado ang pagdinig sa mga anomalya sa BuCor at New Bilibid Prison dahil may hawak silang testigo na handang magbunyag ng kanyang nalalaman hinggil sa katiwalian sa nasabing mga ahensiya.

“We have received disturbing information concerning many officials and not just a few. Our sources willing to testify but there are certain conditions that have to be met,” sambit naman ni Senate President Vicente Sotto III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?