28

By

Lookout bulletin vs Mayor Baldo, inilabas na

Nag-isyu na ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang Department of Justice (DOJ).

Si Baldo ang itinuturong utak sa pagpatay kay AKO Bicol Representative Rodel Batocabe at sa police escort nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Maliban sa alkalde, naglabas din ng ILBO sa iba pang suspek na sina Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor, Danilo Muella, Henry Yuzon, Gilbert Concepcion, Agaton Concepcion, Christoper Cabrera Naval at Emmanuel Judavar.

Kapag isinailalim ang isang indibiduwal sa lookout bulletin, hindi ito maaaring makalabas ng bansa hanggat walang clearance mula sa Justice Secretary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?