18

By

Lolo patay matapos sumalpok ang sinasakyan sa poste

Patay ang isang lolo matapos bumangga sa bakal na poste ang minamaneho nitong sasakyan sa Valenzuela City, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. David Nicolas Poklay ang biktima na si Felicimo Hamor, Jr., 68, ng A. Luna St., Concepcion, Malabon City.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Valenzuela Police Traffic Management Unit, ala-una ng madaling-araw, minamaniobra ng biktima ang kanyang Isuzu jitney (NYB-283) sa kahabaan ng M.H. Del Pilar, Poblacion Street, Brgy. Polo, nang bumangga ang hulihang bahagi nito sa bakal na poste ng no loading at unloading signage.

Nagtuloy-tuloy ang sasakyan hanggang sa tumbukin nito ang isang beauty salon at sa lakas ng impact, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima na naging dahilan upang mabilis na isugod ng Valenzuela Rescue Team sa Valenzuela Medical Center subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?