33

By

Lolo, 3 pang kasabwat timbog sa buy-bust

Arestado sa isang buy-bust operation ang isang 62-anyos na lolo at tatlo pa nitong kasama Linggo ng gabi sa Las Piñas City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Roberto Magahis, 62, may asawa; Jocelyn Claros, 41, dalaga; George Caragdag Jr., 42, at Rodil del Mundo, 35.

Sa ulat ni Police Col. Segundo Lagundi Jr., hepe ng Las Piñas City Police, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Molave St., Pilar Village, Barangay Pilar sa naturang lungsod na ikinaaresto ng apat na suspek dakong alas-9:30 ng gabi.

Narekober kay Magahis ang tatlong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.

Samantala, nakumpiska naman kina Claros, Caragdag at Del Mundo ang kabuuang apat na pakete ng umano’y shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?