106

By

Lolit ‘di sisisihin ang mga Falcis ‘pag namatay

Nilinaw ni Lolit Solis na wala umano siyang pinapanigan sa iringan nina Kris Aquino at magkapatid na sina Jesus at Nicko Falcis.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng showbiz columnist na noon ay naisulat pa niya ang magagandang katangian ni Nicko dahil batid niyang hindi basta-basta ang mga kinukuhang tao ni Kris.

“And knowing how hard it is to be in the circle of friends ni Kris Aquino, and kung gaano siya mag-background check lalo na sa business people niya, I am sure isang trustworthy person at capable sa trabaho si Nicko,” ayon sa caption ni Lolit.

“In fact that time, natakot pa ako na ma-misunderstood na kumakampi ako kay Nicko dahil nga sinulat ko ang outstanding background niya,” dagdag pa.

Kaniya ring sinabi na hindi siya handang sumalo ng bala para kay Kris kung sakaling lumalim pa ang hidwaan sa pagitan ng dalawang kampo.

“Sabi nila, they will hold accountable si Kris Aquino pag may nangyari sa mother nila dahil sa stressful na pangyayaring ito. I am not taking a bullet for Kris,” ayon pa sa talent manager.

Handa aniya siyang makinig sa kampo ng mga Falcis at handa ring aminin ang pagkakasala kung mayroon man.

“I will happily accept my death without blaming the Falcis for it. I don’t take side here, willing ako to listen, willing to admit if I did something wrong, willing to clear out the issues,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?