357

By

Loisa todo tanggol kay Ronnie sa mga basher

Inamin ni Loisa Andalio sa Tonight with Boy Abunda na personal niyang pinadadalhan ng mensahe sa kanyang Twitter account ang mga fan na may ayaw sa kanilang relasyon ni Ronnie Alonte.

Sa naganap na ‘Fast Talk’, tinanong mismo ni Ronnie si Loisa kung paano niya maipagtatanggol ang lalaki sa mga basher nila.

“Kinakausap ko ang mga fan na nakikita ko na bina-bash si Ronnie, as in dini-DM ko talaga sila sa Twitter. Sinasabi ko na huwag silang magsalita ng ganyan kasi una sa lahat, hindi maganda iyan and ayoko na sinasabihan ako ng ganyan. Kaya huwag natin sasabihan iyong mga tao ng ganyan at si Ronnie close siya sa akin at kilala ko siya,” sabi ni Loisa.

Biniro tuloy ni Boy Abunda si Loisa na sabihin na lang daw kasi ni Loisa na mahal niya si Ronnie at masasaktan din siya kung masasaktan ang lalaki.

Hindi pa man nila kinukumpiramang magkarelasyon na sila, inamin ni Loisa na madalas na silang nagsasabihan ng ‘I love you’ ni Ronnie. Sinabi rin niya na si Ronnie ang pinakamalapit na lalaki sa buhay niya ngayon.

“Masarap naman kasi sa feeling iyong sinasabi bukod sa pinaparamdam. Open naman siya doon sa mahalaga ako sa kanya. Mahalaga rin po siya sa akin,” pahayag ni Loisa.

Sa ngayon, mas open na rin daw ang kanilang relasyon. Malaya na nga nilang nahihiram ang cellphone ng isa’t isa.

“Kasi po Tito Boy naglalaro kami ng games, minsan nagpapalitan kami. Tapos napipindot ‘yung lock, kaya na po namin mabuksan,” paglalahad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?