376

Apr 2, 2020 @ 16:11
By

Loisa nagpasilip ng kaseksihan

Ramdam na ramdam ang init ng panahon ngayon dahil syempre ay summer na, at kahit karamihan sa mga tao ay nananatili lamang sa kani-kanilang bahay, sumisirit pa rin ang init ng panahon dahil sa init ng mga isyu na bumubuhos sa social media.

Hot topic ang naging statement ng pangulo nitong nakaraang gabi lang pero ibang klaseng hotness naman ang inihain ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio sa kanyang Instagram.

Pampabawas stress daw ito para sa mga barako.

Grabe pa nga ang pasasalamat ng kalalakihan kay Loisa sa pag-post nito ng kanyang bikini picture dahil sa kabila ng maiinit na balita ngayon sa social media, ibang klaseng init naman daw ang naramdaman ng kalalakihan nang makita ang picture ni Loisa.

Lumiliyab kasi talaga sa kaseksihan ang aktres, minsan lang kung mag-post pero bongga kung magpasabog!

Kasunod naman nito ay mas nabuo sa kanilang isipan na mukhang mayroong mas bonggang pasabog ang aktres kapag natapos na ang community quarantine dahil ayon sa mga sinasagot niyang tanong sa #AskLoisa sa Twitter, may aabangan sa kanya!

Tinanong kasi siya kung handa na ba siya sa mga mas mature na role at walang duda na sumagot si Loisa ng “Abangan niyo po.”

Kaya naman marami ang talagang looking forward sa pagtatapos ng community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?