443

By

Loisa asawa na ni Ronnie

Sobrang kilig ang na-feel ng mga LoiNie fan nang mag-guest sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa “Magandang Buhay” noong Lunes, Dec. 10 at mapag-usapan kung ano ba ang label ng dalawa.

“Ano pong tawag kapag hinahayaan ko na siyang maging asawa ko?” sagot ni Ronnie na tinilian hindi lang ng audience kundi pati na rin ng momshies na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, pati na kapwa nila mga guest na sina Edward Barber at Maymay Entrata.

Maaaring masyado pang bata sina Ronnie at Loisa para magpakasal pero maganda na rin na sa ganun ang nais na kahantungan ni Ronnie sa relasyon nila.

Ibig sabihin noon ay dedikado at seryoso siya kay Loisa.

Marahil dahil na rin sa kanilang napagdaanan kaya ganoon na ang turing ni Ronnie kay Loisa.

Nagkaroon daw sila ng hindi pagkakaintindihan noon at natutong humingi ng tawad at patawarin ang isa’t isa.

Madamdaming kuwento ni Loisa, “Kumbaga, ‘pag naaalala ko lang ‘yung mga pinagdaanan namin, naaalala ko lang ‘yung sakit.” Pero dagdag niya, “Okay na okay na kami ngayon. Okay na okay na tayo, ‘di ba?”

Ang paghingi ng tawad at pagpapatawad ay marka ng tunay na pag-iibigan, mag-asawa man o mag-nobyo pa lang.

Masakit ang prosesong ito, pero ito ang mga nagpapatatag ng samahan ng mga magkarelasyon.

Kung ganyan na sina Ronnie at Loisa ngayon ay hindi na nga ako magtataka kung magtuloy-tuloy rin sila sa altar balang araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?