65

Locsin napamura sa travel advisory ng US sa NAIA

“BACK TO THE F*CKING DRAWING BOARD” – ‘yan ang nasabi ni Foreign Affairs Secretary ng malamang naglabas muli ang Amerika ng travel advisory kontra Ninoy Aquino International Airport.

Isang concerned citizen ang nagpadala kay Locsin sa Twitter tungkol sa nasabing advisory.

Ayon sa post, binabalaan ng US Homeland Security ang mga pasahero na hindi umano epektibo ang aviation at security measure sa nasabing paliparan.

“Passengers are advised that the Secretary of Homeland Security has determined that Ninoy Aquino International Airport (MNL) in Manila, Republic of Philippines, does not maintain and carry out effective aviation and security measures,” ayon sa statement ng US.

Noong Disyembre 2018 ay nakatanggap na rin ng parehong advisory ang NAIA mula rin sa Homeland Security.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?