112

By

Locsin kinondena ang pag-abandona ng mga Chinese sa mga Pinoy na mangingisda

Kinondena ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang ginawang pag-iwan ng mga Tsino sa 22 mangingisdang Filipino na lumubog ang bangka matapos mabangga ng Chinese fishing vessel sa West Philippine Sea noong Hunyo 9.

Sa kaniyang tweet, tinukuran ni Locsin si Defense Secretary Delfin Lorenzana, na tumuligsa rin sa nangyari.

“I take my cue from Defense Sec. Lorenzana. What is contemptible and condemnable is the abandonment of the crew to the elements. Vietnam’s rescue will be the basis of enhanced Vietnam-PH military cooperation,” ani Locsin.

Ayon sa report, naka-anchor umano ang Philippine ship nang tamaan ng Chinese vessel.

Ang Vietnamese fishing vessel na nasa lugar pa ang sumagip sa mga Filipino fishermen sa pakikipag-ugnayan sa Philippine military imbes ang nakabangga.

Nanawagan na si Lorenzana ng imbestigasyon sa insidente at diplomatic action laban sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?