80

By

Local absentee voting, simula na sa Abril 29

Simula Abril 29 maaari nang bumoto ang mga kagawad ng militar, pulisya at media na naka-duty sa mismong eleksyon sa Mayo 13.

Batay sa Comelec Resolution No. 10443, tatakbo ang local absentee voting mula Abril 29 hanggang Mayo 1.

Ani Comelec spokesperson James Jimenez, sa local absentee voting, bobotohan lang ay mga senador at party-list at hindi kasama ang local positions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?