66

By

Lizzo sumayaw nang naka-Tback sa Lakers game

Walang pake si Lizzo sa mga binabatong batikos sa kanya ng madla matapos niyang mag-twerk habang nakasuot ng “thong dress” sa isang Lakers game, Disyembre 9.

Kumalat sa social media ang video ng American singer na sumasayaw sa kanta niyang “Juice” sa isang Lakers game. Nang ma-realize niya na tinapatan siya ng camera, tumalikod ito, nag-twerk at nilantad ang pwet.

Maraming netizen ang hindi natuwa at nagbirong umalis na sila sa arena matapos sumayaw ang singer.

Gayunman, sinaad ni Lizzo na ‘di na siya tinatamaan ng anumang negatibong banat.

“This is who I’ve always been. Your criticism has no effect on me. Negative criticism has no stake in my life, no control over my life, over my emotions,” sey ni Lizzo sa isang ulat.

“I’m surrounded by love, and I just want to spread that love and also spread these cheeks,” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?