28

By

LizQuen dapat magpakasal na – mga netizen

Dahil kinilig sa surpresa ni Enrique Gil para kay Liza Soberano, daing ng mga netizen: “Magpakasal na kayo!”

May Valentine’s gift kasing mga bulaklak at halik si Gil kay Soberano sa set ng kanilang teleserye na “Make It With You.”


“You are my world, my everything. You are the reason why my life is amazing and never dull. Thank you for having a beautiful heart and loving me unconditionally,” hayag ni Quen sa Instagram ngayong Pebrero 14, 2020 kalakip ang larawan nila ni Liza na buhat ang dalawang bouquet ng pula at asul na mga rosas.

“Youre my forever baby, I love you, Happy Valentines Love ❤️,” wika pa nito.

Tatlong oras pa lang ang lumilipas ngunit umani na ang LizQuen post ng higit 213,000 likes. Inulan din ang post ng “sana all” at “pakasal na kayo” comments.

“omg couple goals 🥺💜💜,” sey ni @unikeii.

“❤️❤️❤️proposal na… ❤❤❤,” bulalas ni @lanelgallardo.

“Tsar… buo na Valentines namin 😍❤️parang may jowa narin kami hahahaha,” sambit ni @iamnorlika.

“Sana all. Happy Valentines lovebirds,” wika ni @cilcanlas23.

Oktubre 2019 pinagdiwang nina Liza at Enrique ang kanilang panglimang anibersaryo bilang magdyowa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?