906
Liza Soberano hindi na masisilayan bilang ‘Darna’
Apr 4, 2019 @ 21:12
By

Liza Soberano hindi na masisilayan bilang ‘Darna’

Bumitaw sa pelikulang “Darna” si Kapamilya actress Liza Soberano.

Sa anunsiyo ng ABS-CBN nitong Huwebes, ang kalusugan ng aktres ang dahilan kaya ito umatras sa movie project.

Nagtamo umano si Liza ng finger bone fracture sa fight scene sa “Bagani” noong nakaraang taon.

Kasalukuyan itong ginagamot at nagrerekober sa trauma.

Batay sa payo ng mga doktor, mas makakabuti umano kay Liza na huwag nang tumuloy sa “Darna” dahil magkakaproblema lang ito sa paggawa ng mga stunt.

Samantala, nagsimula na umano ang Star Cinema ng kanilang selection process para sa bagong gaganap sa kilalang Pinay superhero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?