50

By

‘Liwanag’ hatid ng Ginebra sa mga taga-Batangas

Iisa ang bukambibig nina coach Tim Cone at LA Tenorio pagkatapos ikahon ng Ginebra ang korona ng PBA Governors Cup nitong Biyernes sa MOA Arena.

Umaasa ang dalawa na sa maliit na paraan, nakapagbigay sila ng ngiti sa mga nabiktima ng Taal Volcano eruption sa Batangas.

“There’s literally a dark cloud over that area there, and witth us winning, hopefully we bring a little sunshine over their lives,” pahayag ni Cone.

“That’s our responsibility. I mean, we have such a big responsibility to all our fans to bring some sunshine and I know when we win games there’s sunshine that’s given out.”

Dinedicate na ni Tenorio ang Game 4 win ng Ginebra noong Miyerkoles sa mga kababayan niya sa Batangas.

Nabanggit niya noon na gusto niyang makuha na ang championship para mapasaya ang mga biktima ng eruption.

Nagawa niila ‘yun noong Biyernes.

“Personally, kasi ako marami akong relatives sa Batangas. Mga ancestors ng Tenorio, my dad is from Taal,” anang batikang playmaker.

Sa Lipa raw nag-evacuate ang mga kamag-anak nilang naapektuhan.

“Andu’n sila ngayon, nagpadala na ako sa kanila kasi sa iisang bahay 60 sila puro Tenorio daw,” dagdag niya.

Hindi raw siya close sa lahat ng Tenorio doon, pero na-meet na niya ang karamihan.

“Isang barangay sila. Mapapansin n’yo iisa lang itsura ng kilay namin, dikit-dikit,” wika ni LA na sinundan ng tawa. “Malalaman mo na Tenorio talaga.”

“I’m just happy na naipanalo namin ‘to. Nakausap ko mommy ko, sabi nila they were really trying na manood sila ngayon pero hirap sila. Sana napasaya namin sila with this championship.”

Kasama si Tenorio sa plano ni PBA commissioner Willie Marcial na tubong Batangas din para magbigay ng tulong sa mga biktima ng bulkan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?